Ang Pangit Na Bibe |
Lubhang mainit na tag-init sa bukiran, at ang ginintuang mais, ang luntiang oats, at ang mandala ng dayami sa parang ay magandang pagmasdan. Sa kanyang pula’t mahabang mga binti, ang tagak ay lumakad-lakad, samantalang nagsasalita sa Egipto, and linguaheng itinuro ng nanay niya.
Sa maliwanag na pwesto nakatayo ang bahay-sakahan, at di kalayuan sa ilalim ng malaking dahon ng burdock, nakaupo ang isang bibeng naghihintay sa kanyang mga itlog na mabasag. Nagsisimula na siyang mapagod, dahil ang maliliit ay matagal sa paglabas sa kanilang mga itlog at kakaunti ang mga bisitang dumating para kumustahin siya. Sa wakas, isang itlog ang nabasag, at isa pa, at isang buhay na nilikha ang lumabas sa bawa’t isa, sabing ‘pip, pip.’ Tumingin sa paligid ang munting mga bibe at sinabi, 'Ang laki ng mundo.’ ‘Ito na ba ang buong mundo?’ tanong ng nanay nila, ‘hintayin nyo hanggang makita nyo ang hardin, ang mundo ay malawak pa lampas doon sa parang ng kura.’
‘Kaya, at kumusta na kayo?’ wika ng isang matandang bibeng bumisita sa kanya. ‘Nandyan pa ang pinakamalaking itlog na hindi nababasag’ sabi nito. ‘Tingnan ko nga ang itlog na hindi nababasag,’ aniya. ‘Oo nga, gaya ng naisip ko, itlog yan ng pabo, maniwala ka; iwan mong mag-isa at turuan mo ang iba mong anak na lumangoy.’
‘Siguro’y uupuan ko pa sandali,’ sabi ng inahin.
Sa wakas, nabasag ang pinakamalaking itlog, at lumabas ang batang ibon. Ito’y napakalaki at napakapangit. ‘ Titingnan natin kung ito’y pabo pag pumunta tayo sa tubig,’ sabi ng inahin. Ng sumunod na araw ang munting mga bibe ay dinala sa tubig, at isa isa, ang mga paslit ay lumundag kasunod ng inahin, at lumangoy nang walang hirap, at ang pangit na isa rin.
‘Hindi siya pabo,’ wika ng inahin. ‘Siya’y aking sariling anak, at pag tiningnan mo siyang mabuti hindi naman siya gaanong pangit.’ Tapos dinala naman ang munting mga bibe sa bukiran para ipakilala. ‘Palabas ang paa, at ibuka ang mga ito palabas,’ sabi ng inahin. Sumunod ang munting mga bibe, ngunit tinitigan sila ng mga itik sa bakuran, at may isang lumipad sa pangit na bibe at tinuka ang leeg nito. ‘Siya’y napakalaki at pangit,’ sabi nito.
At sa paglipas ng mga araw, ang kawawang bibe na huling lumabas sa kanyang itlog ay lungkot na lungkot, dahil siya ay pangit. Lahat pinalalayas siya, at pati nanay niya ay nalungkot na pinanganak pa ito. Kaya lumipad na lang siya sa kabilang bakod kung saan ang maliliit na ibon sa bakod na halaman ay tinakot niya rin. ‘Takot na takot sila kasi ang pangit-pangit ko,’ sabi niya, at lumipad siya nang lumipad hanggang makarating sa moor kung saan nakatira ang mga pato at ang mga ito ay lumapit at tumitig sa kanya, sabing, ‘Anong klaseng pato ka? Ang pangit-pangit mo, pero hindi yan mahalaga kung ayaw mong makipagkasal sa kanino man sa amin.’ Kaawa-awang bibe! Hindi man lang siya nag-iisip ng pag-aasawa, gusto niya lang pumirmi sa mga tambo sa moor.
Nang dalawang araw na siya roon, may dalawang mabangis ng gansang dumating. Silay’s mga bata pa at lubhang walang-galang. ‘Gusto ka namin,’ sabi nila, ‘sapagkat napakapangit mo.’ Kung gusto mo, sumama ka sa amin sa ibang moor hindi kalayuan dito. May mga magagandang gansa doon, wala pang may asawa. Baka makahanap ka ng magiging asawa kahit ang pangit-pangit mo.’
‘Pap, pap,’ tumunog sa kapaligiran, at sa mga rushes ay nahulog ang dalawang gansang patay.
‘Pap, pap,’ tumunog sa paligid, dahil ang mga mamamaril ay nasa palibot na may mga baril at mga aso. Ang kaawa-awang bibe ay lubhang natakot, at isang malaking aso ang lumapit sa kanya, pero dumeretso sa tubig nang hindi siya inaano. ‘O, pasalamat ako na ako’y napakapangit, pati aso ay hindi ako kakagatin,’ wika niya.
Hapon na nang matahimik muli ang paligid, at daliang umalis ang bibe sa moor. Biglang may bagyong dumating at hindi siya halos makaalis. Sa wakas nakarating siya sa isang kubo. Di gaanong nakasara ang pinto kaya nakapuslit siya sa loob at kumubli nung gabi. Isang ale, isang pusa, at isang inahing manok ang nakatira sa kubong ito, at nung umaga ay nadiskubre nila ang estranghero.
‘Anong gantimpala,’ sabi ng ale, ‘sana’y magkaroon ako ng ilang itlog ng bibe.’ Sapagkat ang kanyang paningin ay mahina na, at akala niya’y ang munting bibe ay malaking bibe.
Ngayon, ang pusa at ang inahing manok ay laging nagsasabi, ‘ Tayo at ang mundo,’ pagkat akala nila sila na ang kalahati ng mundo, at ang mas mabuting hati pa. ‘Kaya mong mangitlog?’ tanong ng inahing manok sa bibe. ‘Kaya mong humuni tulad ng pusa?’ tanong ng pusa, ‘Hindi, di hindi ka pwedeng magka-opinyon.’ Kaya ang kawawang bibe ay naupo sa tabi, pakiramdam nya’y nakakainip at gusto niyang lumangoy. Pero nang sabihin niya ito, sabi nila ay luko-luko raw siya. ‘Anong kalokohan,’ sabi ng inahin.
‘Tanungin mo ang pusa kung gusto niyang lumangoy, tanungin mo ang aming amo. Sa tingin mo gusto niyang lumangoy o tumalon sa tubig? Pinapayuhan kita mag-aral kang humuni tulad ng pusa o mangitlog sa pinakamadaling panahon. ’
Ngunit pakiramdam ng bibe ay kailangan niyang lumabas muna ulit sa mundo, kaya siya ay lumisan sa kubo at di-katagalan nakatagpo siya ng tubig, ngunit lahat ng hayop ay umiiwas sa kanya sapagkat napakapangit niya.
Dumating ang taglagas at halos taglamig na at ang uwak ay tumayo sa bakod at nag-croak.
Ngunit isang gabi may dumating na grupo ng magagandang ibon. Sila’y mga sisne. Hindi pa nakakita nito ang munting bibe. Sila’y may naiibang sigaw paglipad patungo sa mas maiiinit na bansa sa kabilang dagat. Pag alis nila may naramdamang kakaiba ang bibe. Pumaikot-ikot siya sa tubig, at sumigaw ng naiibang iyak na kinabahan din siya. Alam niya hindi niya malilimutan ang pagkaganda-gandang mga ibon, at nangarap na maging kasingganda nila.
Ang panahon ay lalong lumamig at siya’y nanigas sa yelo. Isang manggagawa ang nakakita sa kanya at kinuha siya at iniuwi kung saan ang init ay binuhay siya muli. Ngunit ang munting bibe ay natakot nang gusto siyang kalaruin ng mga bata, at sa kanyang takot napalipad siya una sa milk-pan, tapos sa bin ng harina. Hinampas siya ng ale ng panipit pero nakatakas siya sa bukas na pintuan.
Lahat ng kalungkutan na dinaanan ng kaawa-awang bibe ay napakalungkot isalaysay.
Natagpuan niya ang sarili isang umaga sa isang moor. Mainit ang sikat ng araw, at naramdaman niyang malakas ang kanyang mga pakpak habang paalsa siya sa langit. Nakarating siya sa isang malaking hardin. Napakaganda sa paligid dahil simula ng tagsibol. At papalapit na lumalangoy ang tatlong magagandang sisne.
‘Lalapitan ko ang mga marilag na ibong ito,’ sabi niya, ‘baka patayin nila ako kasi ang pangit-pangit ko, at magtatangka akong lumapit sa kanila, pero hindi yon mahalaga. Mabuti pa mapatay nila kesa tukain ng mga pato, pagtulak-tulakan ng mga manok, palayasin ng ale na nagpapakain ng mga manok, o mamatay sa lamig at gutom pag taglamig.’
Kaya’t lumipad siya sa tubig at lumangoy papalapit sa magagandang ibon. Nang makita nila ang bisita, lumapit agad ang mga sisne na naka-outstretch ang mga pakpak.
Ang kawawang bibe ay yumukong naghihintay ng kamatayan. Ngunit nakita niyang nakasalamin sa malinaw na tubig ang sarili niyang repleksyon, hindi na maitim, pangit na bibe, kundi magandang sisne.
Ang pagkakaanak sa kanya sa pugad ng bibe ay hindi mahalaga, kung siya’y lumabas sa itlog ng sisne. Masaya na siya na naranasan niya ang kalungkutan at kahirapan, dahil mas napahalagahan niya ang kagalakan at kasiyahan sa paligid niya; sapagkat ang magagandang sisne ay lumangoy palapit sa bagong-dating, at hinagkan nila siya sa leeg bilang pagbati.
Samantala ilang bata ang lumabas sa hardin at naghagis ng tinapay sa tubig, at pumalakpak sila ng mga kamay sabay sigaw ‘May bagong sisne na dumating, at siya ang pinakamaganda sa kanilang lahat. Siya’y bata pa at marikit.
At di na malaman ng masayang ibon ang gagawin, sobrang saya niya, pero hindi siya nagyabang.
Lagi na lang pangit ang trato sa kanya dahil napakapangit niya, at ngayon narinig niyang siya ang pinakamaganda sa mga ibon. Yumuko siya nang bahagya at sa kanyang puso sumigaw, ‘Hindi ako nangarap ng ganitong kaligayahan nang ako ay pangit na bibe.’
credit to: