Bago tayo magpunta sa kwento, ano ang ibig sabihin ng kwento? Maraming iba`t ibang uri ng kahulugan ang kwento. Ang kwento ay isa sa mga gawa ng mga likhang isip ng tao. May iba uri na ito ay katotohanan o hindi katotohanan. Pwede rin, ang kwento ay nakakapaghayag ng sariling damdamin. May mga kwentong maikli o mahaba. At higit sa lahat may ibang kwentong kapupulutang aral. Ang napiling kwento ay tungkol sa kwentong pabula. Ang pabula (fable sa English) ay isang uri ng kathang-isip na panitikan kung saan ang mga hayop o kaya mga bagay na walang-buhay ang gumaganap na mga tauhan, katulad ng leon at daga, pagong at matsing, at lobo at kambing. May natatanging kaisipang mahahango mula sa mga pabula, sapagkat nagbibigay ng mga moral na aral para sa mga batang mambabasa. Tinatawag din itong kathang kuwentong nagbibigay-aral.
"Ang Kuneho at Ang Pagong"
Isang araw habang
naglalakad si Kuneho ay nakasalubong niya si Pagong. Palibhasa makupad
maglakad ang pagong kaya pinagtawanan ito ng kuneho at nilibak.
"Napakaiksi
ng mga paa mo Pagong, kaya ubod ka ng bagal maglakad, wala kang
mararating niyan." At sinundan iyon ng malulutong na tawa. Labis na
nainsulto ang Pagong sa mga sinabi ng Kuneho. Para patunayan na nagkakamali ito ng akala ay hinamon nya ang Kuneho.
"Maaaring
mabagal nga akong maglakad, subalit matibay ang katawan ko, hindi mo
ako matatalo." Lalo lamang siyang pinagtawanan. "nabibigla ka yata
Pagong, baka mapahiya ka lamang," wika ni Kuneho. "Para magkasubukan tayo, magkarera tayo patungo sa ituktok ng bulubunduling iyon." Itinuro ni Pagong ang abot-tanaw na bundok.
Ganoon
na lamang ang katuwaan ng mayabang na Kuneho sa hamon na iyon ni
Pagong. Nagtawag pa ito ng mga kaibigan para manood sa gagawin nilang
karera. Gusto niyang lalong libakin si Pagong sa harap ng kanyang mga
kaibigan oras na matalo niya ito. Nakapaligid sa
kanila ang mga kaibigang hayop. Si matsing ang nagbilang para sa
pag-uumpisa ng paligsahan."Handa na ba kayo". Magkasabay na tumugon sina
pagong at kuneho. "Handa na kami!". "Isa..Dalawa..Tatlo.!.takbo", sigaw
ni matsing.
Magkasabay
ngang humakbang ang dalawa mula sa lugar ng pag-uumoisahan. Mabilis na
nagpalundag-lundag si Kuneho. Halos sandaling minuto lamang ay naroroon
na siya sa paanan ng bundok. Ng lumingon siya ay nakita niyang malayung-
malayo ang agwat niya kay pagong.
Patuloy
sa kanyang mabagal na paglakad si pagong, habang pinagtatawanan siya ng
mga nakapaligid na hayop. Hindi pansin ni Pagong ang panunuya ng mga
ito. Patuloy siya sa paglakad, walang lingun-lingon.
Samantala, si Kuneho ay halos mainip na sa paghihintay na makita si pagong sa kanyang likuran. Ilang
ulit na ba siyang nagpahinto-hinto, pero wala ni anino ni pagong.
Palibhasa malaki ang tiwala niya sa sarili, alam niya ang kakayahan
tumakbo ng mabilis, ipinasya niyang maidlip muna ng makarating an siya
sa kalagitnaan ng bundok. Tutal nakatitiyak naman siya ng panalo.
Patuloy
nman sa kanyang mabagal na paglakad si pagong paakyat, hanggang sa
marating niya ang kalagitnaan ng bundok, naraanan pa niya si kuneho na
mahimbing na natutulog at malakas na naghihilik. Nilampasan niya ito at
nagpatuloy siya sa paglakad hanggang sa marating niya ang hangganan ng
kanilang karera.
Ng
magising naman si kuneho ay muli itong tumingin sa ibaba ng bundok,
subalit hindi pa din makita si pagong. Humanda na siyang maglakad muli
paakyat ng bundok, subalit ganoon na lamang ang gulat niya ng matanaw si
pagong na naroroon na sa ituktok ng bundok.
Naunahan na pala siya.
Aral: Huwag mailitin ang kakayahan ng indibidwal kahit maliit man o malaki.
Aral: Huwag mailitin ang kakayahan ng indibidwal kahit maliit man o malaki.
credit to: Eugene Bert D. Santiago
Kung gusto niyo ng mga ng iba`t ibang kwentong pabula, maaring kayong pumunta sa site na ito.
(http://www.iliked.me/ano-ang-pabula-at-mga-halimbawa-nito/)Ang Leon At Ang Daga |
Ang Agila at Kanyang Anino |
Ang Matsing At Ang Pagong |
ahhh.. I like your background po :).. Kwentong bata po talaga.. :) :)
ReplyDeleteSalamat po.. :)
Delete